^

Metro

24-anyos patay sa Russian roulette

-
Tuluyang nauwi sa kamatayan ang madalas na paglalaro ng isang lalaki ng Russian roulette matapos na matapat sa kanyang pagkalabit ang nag-iisang bala sa kanyang baril, kamakalawa ng gabi sa Intramuros, Maynila.

Isang bala ng kalibre .38 rev. ang bumaon sa ulo buhat sa sentido na sanhi ng kamatayan ng biktimang si Frederick Gratela, 24, ng #452 Cabildo St., Intramuros.

Sa ulat ng MPD-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi sa loob ng kuwarto ng biktima kung saan narinig ng mga kaanak nito ang isang malakas na putok ng baril. Nang buksan ang kuwarto nito, bumulaga ang duguang bangkay ni Gratela habang nasa tabi nito ang baril na ginamit sa paglalaro.

Ayon sa imbestigasyon, madalas umano na makitang naglalaro ng kanyang baril si Gratela tuwing nililinisan niya ito. Madalas din na itinututok sa kanyang sentido ang baril at saka kakalabitin.

Posible umano na sinadya ni Gratela na lagyan ng isang bala ang baril at saka naglaro ng Russian roulette at doon ito natiyempuhan ng bala.

Gayunman, isang masusing imbestigasyon pa rin ang isinasagawa ng pulisya para alamin kung may naganap na foul play sa insidente. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AYON

BARIL

CABILDO ST.

DANILO GARCIA

FREDERICK GRATELA

GAYUNMAN

GRATELA

HOMICIDE SECTION

INTRAMUROS

ISANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with