^

Metro

Nursing student patay sa saksak, 1 pa sugatan

-
Hindi akalain ng isang nursing student na ang kanyang pagtatanggol sa kaibigang babae ang magiging dahilan ng kanyang kamatayan at pagkasugat ng kanyang kaibigan sa Quezon City.

Dead on arrival sa Manila Central University Hospital ang biktimang si Jeffrey Lazo, 21, ng St. Agustine College at residente ng No. 619 Gemini St. Greenville Subdivision, Caloocan habang ginagamot naman sa QCGH ang kaibigan nito na si Roland Soledad, 16 ng Rd. 18, Proj. 8, Q.C.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa No. 21 Rd. 18, Proj. 8 ng nabanggit na lungsod nang papasakay ng tricycle ang babae na nakilala lamang sa pangalang Janine at halikan ng isa sa mga suspect na si Allan Cruz.

Nagalit si Lazo kay Cruz na nagkaroon ng mainitang pagtatalo na nakita naman ng iba pang kaibigan ng suspect hanggang sa tulungan itong saksakin.

Umawat naman si Soledad kung kaya’t pinagbalingan din ito ng mga suspect. Matapos ito ay agad na tumakas ang mga suspect. (Doris Franche)

vuukle comment

ALLAN CRUZ

CALOOCAN

DORIS FRANCHE

GEMINI ST. GREENVILLE SUBDIVISION

JEFFREY LAZO

MANILA CENTRAL UNIVERSITY HOSPITAL

PROJ

QUEZON CITY

ROLAND SOLEDAD

ST. AGUSTINE COLLEGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with