^

Metro

Kidnapper-rapist, timbog

-
Halos manghiram ng mukha sa aso ang isang kidnapper-rapist matapos na bugbugin ng mga kaanak ng kanyang huling biktima makaraang maaresto ang una habang tangan pa ang batang tinangay nito kahapon ng tanghali sa Caloocan City.

Nakakulong at nahaharap sa kasong rape, kidnapping at paglabag sa Republic Act 7610 ( Anti-Child Abuse Law) si Jessie Velasco, 30, vendor at naninirahan sa Aldefa St. Bagong Barrio ng nabanggit na lungsod.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas 12:30 ng tanghali nang madakip ang suspect sa Luneta, Maynila habang tangan nito ang isang 5-taong gulang na batang babae na niyaya nitong mamasyal habang naglalaro sa labas ng kanilang bahay.

Agad namang humingi ng tulong ang ina ng biktima sa kanilang Brgy. Capt. na si Alexander Parco. Mabilis itong nagtungo sa mga awtoridad upang puntahan sa Luneta ang suspect.

Tinangka pa ng suspect na tumakas subalit nasukol din ito ng mga pulis. Hindi naman napigilan ng mga kaanak ng biktima na bugbugin ang suspect.

Lumilitaw na una nang tinangay ng suspect ang isang 6-anyos na batang babae noong Hulyo 19 at makalipas ang tatlong araw ay nakita ito na tila takot at namamaga ang ari. (Rose Tamayo)

ALDEFA ST. BAGONG BARRIO

ALEXANDER PARCO

ANTI-CHILD ABUSE LAW

BATAY

BRGY

CALOOCAN CITY

JESSIE VELASCO

LUNETA

REPUBLIC ACT

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with