^

Metro

Mag-ina utas sa sagasa

-
Malagim ang naging kamatayan ng isang mag-ina matapos na magkahiwalay na mamatay nang mahagip ng rumaragasang sasakyan sa Quezon City.

Dead on the spot ang biktimang si Argel Malatag, Grade 3 pupil at naninirahan sa No. 426 E. Rodriguez Blvd. Brgy. Immaculate, Cubao, ng nabanggit na lungsod samantalang namatay habang ginagamot sa St. Lukes Hospital ang ina nitong si Ma. Rosario. Ang dalawa ay nagtamo ng pagkabasag ng ulo.

Inihahanda naman ng pulisya ang kasong reckless imprudence resulting to double homicide laban kina Eliseo Mendoza, 39, driver ng Dominion Transport na may plakang AVX-811 may biyaheng Vigan-Cubao at driver ng delivery van truck na si Bartolome Hipayo, 28.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Jocelyn Cordero-Marcelo, dakong alas-7 ng gabi nang maganap ang insidente sa kanto ng E. Rodriguez, Blvd. at New York St.

Tumatawid ang mag-ina nang biglang mahagip ng bus ang bata. Sinaklolohan ito ni Ma. Rosario subalit ito naman ang nasagasaan ni Hipayo. (Doris Franche)

vuukle comment

ARGEL MALATAG

BARTOLOME HIPAYO

DOMINION TRANSPORT

DORIS FRANCHE

ELISEO MENDOZA

JOCELYN CORDERO-MARCELO

NEW YORK ST.

QUEZON CITY

RODRIGUEZ BLVD

ST. LUKES HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with