^

Metro

Coding ipatutupad vs bus

-
Upang higit na maibsan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa Metro Manila at mabawasan ang kompetisyon, plano na ring ipatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga pampasaherong bus ang number coding o Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP).

Ayon kay MMDA Traffic Operation Center (TOC), Director Angelito Vergel De Dios, ilan sa mga kumpanya ng bus ang pabor na ipatupad ang number coding o UVVRP.

Layunin nito na mabawasan ang kompetisyon dahil napakaraming bus ang pumapasada lalo na sa kahabaan ng Edsa Avenue, samantalang kakaunti lamang ang sumasakay na mga pasahero.

Ayon pa kay De Dios, pabor ang ilang kumpanya ng bus dahil malaking katipiran ito sa gasolina at mas marami aniyang mga pasaherong sasakay dito.

Ngunit ang iba namang bus operator tulad ni Claire Dela Fuente ay tutol sa naturang panukala, dahil kapag aniya may number coding na sa mga bus malulugi aniya ang kanilang negosyo.

Sakaling ipatupad na ang Organized Bus Route (OBR) program, plano pa ring i-implementa ng MMDA sa mga bus sa darating na mga araw ang number coding o UVVRP.

Sa record ng MMDA sa ilalim aniya ng OBR programa, nakatipid ng gasolina na nagkakahalaga ng P2 bilyon ang mga bus kada taon. (Lordeth Bonilla)

AYON

BUS

CLAIRE DELA FUENTE

DE DIOS

DIRECTOR ANGELITO VERGEL DE DIOS

EDSA AVENUE

LORDETH BONILLA

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with