1 pang massacre suspect target ng manhunt
August 1, 2005 | 12:00am
Isa pang suspect sa Caloocan City massacre ang target ngayon ng manhunt operation ng mga awtoridad makaraang "ikanta" ito ni Juanito Espino alyas Tyson na unang nadakip ng pulisya.
Ayon kay Espinosa isang nagngangalang Charlie ang kasama niya sa pagmasaker sa apat na biktimang sina Andrew Luis Villa, 42; secretary at live-in partner na si Joy Cam, 19; anak ni Villa na si Lang-Lang, 12 at katulong na si Manang, 60.
Lumilitaw sa imbestigasyon na icepick at kutsilyo ang ginamit ng mga suspect sa brutal na pamamaslang sa mga biktima.
Sinabi naman ng pulisya na posibleng madakip nila si Charlie kung saan agad itong ihaharap sa media kasama ni Espinosa.
Naunang naaresto si Espinosa ng Caloocan City Police operatives sa Alicia, Isabela kung saan idinawit nito si Charlie.
Lumalabas na pagnanakaw ang ugat ng pagmasaker nang mabigo si Espinosa na makapag-cash advance kay Villa na pambili sana ng handa para sa kaarawan ng kanyang anak.
Sinabi naman ni Espinosa na nagdilim ang kanyang paningin kung kayat nagawa niya ang krimen.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am