^

Metro

Parak sangkot daw sa hijack, tiklo ng NBI

-
Inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang intelligence officer ng Manila Police District (MPD) dahil umano sa pagkakasangkot sa kasong hijacking, kamakalawa ng hapon sa Sampaloc, Manila.

Nakilala ang nadakip na si PO1 Jolly Aliangan, nakatalaga sa District Police Intelligence Unit (DPIU) ng MPD. Agad naman itong pinalaya kahapon matapos na hindi makapagpakita ng matibay na ebidensiya ang NBI-National Capital Region na pinamumunuan ni Atty. Edmund Arugay na nagsasangkot sa pulis sa naturang kaso.

Nabatid na naganap ang insidente dakong alas-4 ng hapon nang bigla na lamang arestuhin si PO1 Aliangan ng dalawang ahente ng NBI sa panulukan ng Lepanto at Recto, Sampaloc habang naglalakad ito kasama ang hindi nakilalang pinsan.

Ayon sa NBI, nakatakda umanong maghain ng warrant of arrest ang kanilang mga tauhan sa nasabing lugar kaugnay ng mga kasong highway robbery at hijacking na naganap sa Quezon City noong nakalipas na Hulyo 20 kung saan si PO1 Aliangan ang isa umano sa mga suspect.

Nabatid naman kay Chief Inspector Joselito Sta. Teresa, hepe ng DPIU na walang maiharap na complainant ang NBI na magtuturo sa nasabing pulis na kasama sa ibinibintang na krimen.

Dahil dito, nauwi na lamang sa pagkakaso ng NBI na paglabag sa anti-fencing law laban kay Aliangan dahil sa pagtataglay umano ng isang nakaw na cellular phone. Agad namang nakapagpiyansa si Aliangan kaya nakalaya sa kustodya ng NBI. (Ulat ni Danilo Garcia)

ALIANGAN

CHIEF INSPECTOR JOSELITO STA

DANILO GARCIA

DISTRICT POLICE INTELLIGENCE UNIT

EDMUND ARUGAY

JOLLY ALIANGAN

MANILA POLICE DISTRICT

NABATID

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NATIONAL CAPITAL REGION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with