^

Metro

Suspect sa Caloocan massacre, timbog

-
Bumagsak na sa kamay ng mga awtoridad ang pangunahing suspect na sangkot sa pagmamasaker sa apat katao sa Caloocan City noong nakaraang Miyerkules.

Natunton sa Alicia, Isabela kahapon ng madaling-araw ng mga tauhan ng theft and robbery section ng Caloocan City Police ang suspect na si Juanito Espinosa, 32, alyas Tyson.

Nakatakdang iharap ngayon sa mga mamamahayag ang nadakip na suspect.

Si Tyson ang sinasabing pangunahing suspect sa pagpaslang sa kanyang amo na si Andrew Luis Villa, 40; sa live-in partner nitong si Joy Cam, 19; sa anak na si Lang-Lang, 12; at sa katulong na si Manang, 60.

Ang mga biktima ay pawang nagtamo ng maraming saksak sa katawan at laslas sa leeg.

Ang suspect ay isinasailalim pa sa masusing interogasyon para alamin kung may kasama ito ng isagawa ang krimen.

Lumalabas na robbery at paghihiganti ang motibo sa pagpaslang sa mga biktima. Perang napanalunan sa sabong ni Andrew na umaabot sa halagang P300,000 ang umano’y siyang pinag-ugatan ng krimen.

Ayon sa nakalap na ulat ng PSN, noong Hulyo 13 ay kasama ni Andrew si Tyson na nagsabong sa Roligon Cockpit Arena sa Pasay City. Anim na manok na panabong ni Andrew ang nanalo ng P.3 milyon.

Inabot pa nga raw ng madaling araw ang mag-amo sa sabungan na iyon, ang araw ng kaarawan ni Tyson.

Sinasabing nagsabi ito sa kanyang amo na mag- ka-cash advance subalit hindi ito pinagbigyan ni Andrew.

Matinding galit marahil ang nabuo sa isip ng suspect kaya plinano ang pagpaslang.

Magugunitang bago natuklasan ang bangkay ng mga biktima, si Tyson ay kasamang nag-inom ng kanyang amo sa bahay ng huli. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

ANDREW LUIS VILLA

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

JOY CAM

JUANITO ESPINOSA

PASAY CITY

ROLIGON COCKPIT ARENA

ROSE TAMAYO

SI TYSON

TYSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with