^

Metro

Manila plice umalerto vs kidnapping

-
Matapos na muling magreklamo ang Citizen’s Action Against Crime (CAAC) sa pagtaas ng insidente ng kidnapping, muling nagpatupad ng mahigpit na seguridad ang Manila Police District (MPD) partikular na sa Chinese community sa lungsod.

Isiniwalat kamakailan ni CAAC Chairperson Teresita Ang See na tumaas ang insidente ng kidnapping sa bansa nitong nakalipas na dalawang buwan hindi lang sa kapwa niya Tsinoy.

Sinabi ni See na hindi umano ito nakasama sa datos ng pulisya dahil sa takot ang pamilya ng mga biktima na i-report ang pangyayari.

Wala rin umanong tiwala ang mga Tsinoy na mag-ulat sa MPD dahil sa hindi magandang kredibilidad dahil sa pagkakasangkot ng marami dito sa ‘hulidap’.

Dahil dito, ipinag-utos ni MPD director Pedro Bulaong ang pagdaragdag ng police visibility sa China town sa Binondo, Maynila at mga exclusive schools ng mga batang Tsinoy sa lungsod.

Sa kabila nito, humingi rin ng tulong ang pulisya sa publiko na agad na magbigay ng impormasyon ukol sa insidente ng kidnapping, partikular na kung mga pulis ang hinihinalang sangkot sa operasyon.

Ito ay matapos na ilang impormasyon ang natanggap ng intelligence division mismo ng MPD na ilang pulis-Maynila na kilala sa tawag na ‘Ninja’ ang nasa likod ng ilang pagdukot sa mga mayayamang Tsinoy. (Ulat ni Danilo Garcia)

ACTION AGAINST CRIME

BINONDO

CHAIRPERSON TERESITA ANG SEE

DAHIL

DANILO GARCIA

ISINIWALAT

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

PEDRO BULAONG

TSINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with