^

Metro

Parak todas sa holdaper

-
Isang tauhan ng Pasay City police ang iniulat na nasawi matapos na makipagpalitan ng putok ng baril sa dalawang holdaper, kahapon ng madaling araw sa nabanggit na lungsod.

Namatay habang ginagamot sa Makati Medical Center ang biktimang si SPO1 Larry Bernal, nakatalaga sa Mobile Patrol Unit ng Pasay City Police sanhi ng tinamo nitong dalawang tama sa dibdib buhat sa kalibre .38 baril.

Samantala, ginagamot din sa nabanggit na ospital ang isa sa dalawang suspect na nakilalang si Celito Homecillo, 38, ng Brgy. Rizal, Makati City sanhi ng tinamo ring tama sa katawan makaraang gumanti ng putok ang mga awtoridad.

Base sa ulat, naganap ang insidente dakong ala-1:15 ng madaling-araw sa panulukan ng EDSA at Rodriguez St., sa Pasay City habang nagpapatrulya ang biktimang si SPO1 Bernal kasama si SPO1 Nestor Lasala.

Namataan ng mga pulis si Homecillo kasama ang isa pang lalaki na may kahina-hinalang kilos.

Sinita ng mga pulis ang dalawang suspect na kaagad na nagbunot ng baril at pinaputukan ang mga awtoridad. Tinamaan dito si SPO1 Bernal.

Sa kabila na sugatan ay nakipagpalitan pa rin ng putok si Bernal at Lasala kung saan tinamaan si Homecillo, samantalang mabilis na nakatakas ang kasama nito.

Naniniwala ang pulisya na maaaring magsasagawa nang panghoholdap ang dalawang suspect ng matiyempuhan ng mga awtoridad kaya napilitan na lamang ang mga ito na manlaban. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BERNAL

CELITO HOMECILLO

HOMECILLO

LARRY BERNAL

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI MEDICAL CENTER

MOBILE PATROL UNIT

NESTOR LASALA

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with