^

Metro

P131-M shabu nasamsam

-
Umaabot sa 65 kilo ng shabu at 20 sako ng ephedrine ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine National Police-Anti Illegal Drugs Task Force makaraang sabay-sabay na salakayin ang tatlong bahay sa Brgy. West Triangle sa Quezon City, kahapon ng hapon.

Anim katao na hindi muna ibinigay ang pangalan ang sinasabing naaresto rin sa naturang operasyon.

Nabatid na ang raid ay isinagawa sa bisa ng search warrant na inisyu ni QC Executive Judge Natividad Dizon sa mga bahay sa No. 12 -B Liwayway St., na pag-aari ni Peter Ngo; sa 19-C Bulletin St. na pag-aari umano ni Mey Ching Ka Yo at sa Rest Haven St., na pag-aari naman ni Jimmy Chang, pawang nasasakupan ng brgy. West Triangle, Quezon City.

Ayon kay PNP- Anti Illegal Drugs Task Force chief Deputy Director General Ricardo de Leon na aabot sa P131 milyon ang halaga ng mga nakuhang illegal drugs sa sinalakay na tatlong bahay.

Nabatid na matagal nang minamanmanan ang tatlong bahay dahil sa umano’y ginagawa itong shabu lab ng ilang drug syndicate. (Ulat ni Doris Franche)

B LIWAYWAY ST.

C BULLETIN ST.

DEPUTY DIRECTOR GENERAL RICARDO

DORIS FRANCHE

DRUGS TASK FORCE

EXECUTIVE JUDGE NATIVIDAD DIZON

JIMMY CHANG

MEY CHING KA YO

QUEZON CITY

WEST TRIANGLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with