Mag-asawa timbog sa P2-M shabu
July 29, 2005 | 12:00am
Umaabot sa P2 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa isang mag-asawang Muslim na naaresto sa isang buy-bust operation sa Sampaloc, Maynila.
Nakilala ang mga nadakip na sina Abdulnassif Olama, 26, vendor at asawang si Malla Olama, 28, kapwa residente ng Islamic Center sa Quiapo, Manila.
Sa ulat ng Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Group, nasakote ang mag-asawang Olama dakong alas-8:30 ng umaga noong Hulyo 23 sa may panulukan ng Maceda St. at España Avenue sa Sampaloc, Manila.
Nakatanggap umano ng impormasyon ang pulisya ukol sa magaganap na transaksyon sa droga sa naturang lugar kaya agad silang nagsagawa ng operasyon.
Isang maroon na Honda Civic ang dumating sa naturang lugar at bumaba ang mag-asawang Olama. Agad namang nakita ng mga ito ang mga pulis kaya itinapon ang isang nakabalot na papel na naglalaman ng mga shabu sa plastic sachet.
Agad nasakote ng mga pulis ang dalawang suspect habang nakatakas naman ang driver ng naturang sasakyan nang tumakbo ito. Narekober din sa loob ng naturang kotse ang may 29 pang pakete ng shabu at isang ID ng isang Gani Macadaya.
Nakadetine ngayon sa MPD-Headquarters ang mga suspect at nahaharap sa kasong Anti-Illegal Drugs Law of 2002. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended