^

Metro

Kidnapping with murder isinampa vs 3 pulis

-
Sinampahan na kahapon sa Mandaluyong Prosecutors Office ng kasong kidnapping with murder ang tatlong pulis na pinaniniwalaang sumalvage sa isang binata na hinuli nila kamakailan sa kasong bagansiya sa nasabing lungsod.

Ayon kay Supt. Ericson Velasquez, hepe ng Mandaluyong Police, bukod sa kasong kriminal ay nahaharap din ang mga suspect na sina PO1’s Francis Castillo, Jocelyn Samson, Inspector Amor Cerillo sa pagkakasibak sa serbisyo kung mapapatunayang responsable sa pagkakapatay sa biktimang si Jonathan Diasanta, 19 na kanilang inaresto sa kasong bagansiya noong nakaraang Biyernes ng gabi sa EDSA Crossing. Kinabuksan ay natagpuan ang bangkay ng binatilyo sa isang masukal na lugar sa Brgy. San Juan, Taytay, Rizal na may tama ng bala ng baril sa ulo.

Napag-alaman din kay Velasquez na sa kasalukuyan ay hindi na nagre-report sa serbisyo ang mga suspect mula ng lumabas sa mga pahayagan ang pagkakatagpo sa bangkay ng biktima.

Ayon sa ina ng nasawi na si Teresa Diasanta, 51, tagawalis sa kalsada na matapos na mahuli ang kanyang anak ay may inutusan pa ang mga suspect na pumunta sa kanilang bahay upang ipaalam na nabagansiya ang kanyang anak at humihingi ang mga pulis ng P1,500 para makalaya ito, subalit sinabi ng ina na wala silang pera na pantubos dito. (Ulat ni Edwin Balasa)

AYON

EDWIN BALASA

ERICSON VELASQUEZ

FRANCIS CASTILLO

INSPECTOR AMOR CERILLO

JOCELYN SAMSON

JONATHAN DIASANTA

MANDALUYONG POLICE

MANDALUYONG PROSECUTORS OFFICE

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with