MMDA umaksyon na rin vs raliyista
July 28, 2005 | 12:00am
No permit, no rally.
Ito ang mahigpit na ring ipapatupad ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa lahat ng grupong magra-rally mapa-pro man o Anti-GMA sa lahat ng mga pangunahing lansangan sa Kalakhang Maynila,
Ito ay matapos na mawasak ang mga pink fences ng MMDA ng ilang raliyista noong nagsagawa ng State of the Nation Address (SONA) ang Pangulong Arroyo noong Lunes.
Ayon kay MMDA Traffic Operation Center (TOC) director Angelito Vergel de Dios, ipapatupad nila ang no permit, no rally policy sa lahat ng mga magsasagawa ng demonstrasyon sa Metro Manila at sakaling makapagrali ang mga ito at may masirang mga property ng gobyerno ay papapanagutin nila ang organizer ng grupo.
Ang sinuman aniyang grupo na lalabag sa kanilang hakbangin ay huhulihin at kaagad na bubuwagin ang kanilang demonstrasyon.
Ang aksyon ng ahensiya ay base sa ulat na ilang property ng MMDA tulad ng mga pink fences ang sinira ng ilang raliyista.
Nilinaw ng MMDA na ang kanilang hakbangin ay hindi pagsikil sa freedom of expression, kundi pinangangalagaan lamang nila ang mga pasilidad ng gobyerno. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended