^

Metro

27 pang lider ng Magdalo Group makalalaya na

-
Matapos ang ika-2 taong anibersaryo kahapon ng Oakwood Mutiny, inaasahang makakalaya na ang 27 sa 29 pang mga lider ng Magdalo Group na nasangkot sa pag-aaklas laban sa gobyerno matapos sakupin ang Oakwood Premiere Hotel sa Makati City noong Hulyo 27, 2003.

Nabatid na mapipilitan ang General Court Martial (GCM) na idismis ang kaso laban sa nasabing mga lider ng Magdalo matapos mabigo ang mga abogado ng prosekusyon na mabasahan ng sakdal sa kaso ang mga akusado sa loob ng itinakdang 2 taon.

Ang ‘prescription period’ ay nagtapos nitong Martes, pasado alas-12 ng hatinggabi na siyang ikalawang taong anibersaryo ng Oakwood Mutiny.

Bunga nito, malamang na palayain ng GCM ang 27 junior officers maliban sa dalawang hardcore leaders na sina Navy Lt. Sr. Grade Antonio Trillanes IV at Army Capt. Milo Maestrecampo na nabasahan na ng sakdal.

Gayunman, hindi pa dinidismis ng GCM ang kaso laban sa mga akusadong junior officers dahil sa kawalan ng quorum at napilitang i-adjourn ang paglilitis dakong alas-12:19 ng madaling-araw.

Nabatid na nabawasan ang panel ng GCM matapos na mag-inhibit sina Major Maria Victor Girao at Lt. Col. Ajerico Amagna nang i-challenge for a cause ng mga abogado ng depensa.

Sina Trillanes, Maestrecampo at 27 iba pa ay pinadadalo rin sa pagdinig sa Huwebes. Nabatid na bagaman nabasahan ng sakdal si Maestrecampo ay hindi naman ito nakapag-plea sa kaso. (Ulat ni Joy Cantos)

AJERICO AMAGNA

ARMY CAPT

GENERAL COURT MARTIAL

JOY CANTOS

MAESTRECAMPO

MAGDALO GROUP

MAJOR MARIA VICTOR GIRAO

MAKATI CITY

NABATID

OAKWOOD MUTINY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with