2 pang biktima ng salvage sa Maynila, lumutang sa ilog
July 27, 2005 | 12:00am
Dalawang bangkay ng lalaki na nakasilid sa sako at hinihinalang kapwa biktima ng summary execution ang iniluwa ng ilog Pasig, kahapon sa Ermita, Maynila.,
Patuloy na kinikilala ang dalawang biktima kung saan inilarawan ang isa sa bangkay na nasa pagitan ng edad na 40-45 anyos, may taas na 57 talampakan at kapwa walang saplot sa katawan.
Sa inisyal na ulat ng WPD Homicide Section, dakong alas-8 ng umaga nang unang makita ang isa sa mga bangkay sa Ilog Pasig sa likod ng Philippine Post Office sa Lawton, Ermita.
Isang pedicab driver na si Nelson Umacod, 49, ang nakadiskubre sa palutang-lutang na sako. Posible umano na inakala nito na may pakikinabangan siyang laman ng sako kung kaya iniahon niya ito.
Nang buksan ay doon nadiskubre na bangkay ng lalaki ang laman nito. Natuklasan din na may nakapulupot na alambre sa leeg nito, nakapiring ang mata at may busal sa bibig.
Ilang oras matapos na madiskubre ang unang bangkay isa pang sako ang lumutang din sa ilog kung saan katulad rin ng una ang sanhi ng kamatayan nito.
Blangko pa rin ang mga awtoridad sa mga suspect at kung ano ang motibo sa pagpaslang sa mga biktima. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest