^

Metro

Kung TABA bawal sa PNP, PANGIT bawal sa BJMP

-
Kung sa Philippine National Police (PNP) ipinagbabawal ang mga TABA (Tamad, Abusado, Bastos at Ayaw padisiplina) wala rin namang lugar sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang mga PANGIT (Paglabag sa karapatan ng bilanggo, Abusado sa tungkulin, Nangingikil, Gumon sa bisyo, Instigador at Tamad) na personnel.

Ito ang binigyang diin ni chief Director Arturo Alit kaugnay na rin ng kanilang programanmg baguhin at linisin ang hanay ng mga jailguards at personnel.

Ayon kay Alit, hindi umano niya papayagan na labagin ng mga jail personnel ang karapatan ng isang bilanggo bagama’t ang mga ito ay nasa likod ng rehas na bakal.

Pinamomonitor din niya ang mga kilos ng kanyang mga tauhan na umano’y nangingikil sa mga dalaw at preso, nagsisimula ng gulo, sangkot sa iba’t ibang bisyo, tamad at abusado.

Ang sinumang jail personnel na PANGIT ay agad na papatawan ng kaukulang parusa mula sa suspension hanggang sa dismissal.

Matatandaan na inilunsad ni Alit ang Oplan Kontra Balukol laban sa mga jail personnel na masasangkot sa iba’t ibang ilegal na aktibidades. (Ulat ni Doris Franche)

ABUSADO

AYAW

AYON

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

DIRECTOR ARTURO ALIT

DORIS FRANCHE

OPLAN KONTRA BALUKOL

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

TAMAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with