^

Metro

Dalaga kinatay ng binasted na manliligaw

-
Nasawi ang isang dalaga matapos na pagsasaksakin ng binatang binasted nito subalit bago malagutan ng hininga ang una ay naagaw nito ang patalim at nagawang maitarak sa suspect na ikinasugat ng huli, kahapon ng madaling-araw sa Navotas.

Patay na nang idating sa Navotas Lying-in Clinic sanhi ng mga tinamong saksak sa katawan ang biktimang nakilalang si Catherine Prudente, 20, ng Nadela St., Brgy. Longos ng nabanggit na bayan.

Nakilala naman ang suspect na si Noli Egleo, 18 na kapitbahay ng biktima.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:40 ng madaling-araw ng maganap ang insidente malapit sa isang panaderya sa nasabing lugar.

Bago ang insidente, nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa matapos na magmura ang suspect nang bastedin ng biktima. Naawat naman ito ng ilang nakasaksi hanggang sa umuwi na sa bahay si Egleo.

Ilang sandali ang nakalipas nagtungo sa panaderya ang biktima nang biglang sumulpot ang suspect na armado ng patalim at walang sabi-sabing pinagsasaksak nito ang dalaga.

Bagamat sugatan nagawang maagaw ng biktima ang patalim at saka isinaksak sa suspect na ikinasugat din nito.

Mabilis na isinugod ng ilan nilang nakasaksing kapitbahay ang dalawa sa pagamutan subalit hindi na nakaligtas pa ang dalaga. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

BAGAMAT

BATAY

BRGY

CATHERINE PRUDENTE

EGLEO

ILANG

NADELA ST.

NAVOTAS LYING

NOLI EGLEO

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with