Kidnaper ng paslit, arestado
July 26, 2005 | 12:00am
Dinakip ng mga tauhan ng pulisya ang isang pedicab driver matapos nitong kidnapin ang isang 2-anyos na batang lalaki, kamakalawa sa Parañaque City.
Sa ulat na tinanggap ni Parañaque City Police chief Supt. Ronald Estilles, nakilala ang nadakip na si Pablo Guyo, alyas Onyok, 21, binata ng Domingo St., Brgy. La Huerta ng nabanggit na lungsod.
Nakilala naman ang biktima nito na si Marcos Bien Cundangan, ng Dandan St., ng nabanggit ding barangay.
Sa reklamo ng ina ng bata na si Crisanta Cundanggan, 23, naganap ang insidente dakong alas- 8 ng umaga noong Hulyo 23 habang ang kanyang anak ay naglalaro sa naturang lugar nang bigla umanong tangayin ng suspect.
Ilang sandali matapos ang pagdukot sa bata ay tumawag pa ang suspect sa ina ng biktima na humihingi ng P5,000 cash at isang cellphone kapalit ng kalayaan ng paslit.
Agad namang nagsumbong sa pulisya si Crisanta kung saan inihanda ng pulisya ang entrapment operation laban sa suspect kamakalawa ng gabi sa may Petron Gas Station sa General Emilio Aguinaldo Avenue, Brgy. Tambo ng nabanggit na lungsod.
Nasukol ng pulisya si Guyo at nabawi dito ang bata. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am