^

Metro

Hapones, 2 pa iniulat na dinukot

-
Isang 77-anyos na Hapones ang hinihinalang kinidnap matapos na hindi makabalik sa bahay na kanyang tinutuluyan, habang dalawa pang katao ang iniulat na tinangay din ng isang grupo ng kalalakihan sa lungsod ng Maynila.

Iniulat sa Manila Police District-General Assignment Section ni Barbara Maramba, 59, ng Craig St., Sampaloc, Maynila ang pagkawala sa dayuhan niyang bisita na si Tsuchida Hisako noong pang Hulyo 23 dakong alas-8 ng gabi.

Nabatid na dumating sa bansa si Hisako nitong Hulyo 20 buhat sa Japan upang magbakasyon. Umalis umano ito ng bahay upang mamasyal subalit hindi na nakabalik pa. Malaki ang paniwala ni Maramba na posibleng dinukot ang Hapones o kaya naman ay nabiktima ng mga elementong kriminal sa lungsod ng Maynila.

Samantala, iniulat din ni Marilou Parto, 45, ang pagdukot sa kanyang asawa na si Anastacio Parto at kasamahan nitong si Cristina Salvis ng isang grupo ng lalaki dakong alas-9:10 kamakalawa ng gabi.

Sa kanyang ulat, tinangay umano ng mga suspect ang dalawa sa may Cavite, ngunit nasa Maynila siya nang matanggap ang tawag buhat sa mga suspect na humihingi ng P500,000 ransom kapalit ng kalayaan ng dalawa.

Nagsasagawa naman ng koordinasyon ang MPD-GAS sa Presidential Task Force at sa Cavite Police para sa follow-up operation. (Ulat ni Danilo Garcia)

ANASTACIO PARTO

BARBARA MARAMBA

CAVITE POLICE

CRAIG ST.

CRISTINA SALVIS

DANILO GARCIA

HAPONES

HULYO

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT SECTION

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with