Bomba para kay GMA, nasabat
July 25, 2005 | 12:00am
Nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang may 120 kilo ng kemikal na gamit sa paggawa ng bomba sa loob ng isang barko sa Tondo, Maynila na posible umanong gamitin sa pananabotahe sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Sa report ni Lt. Armand Balilo, PCG Spokesman, ang ammonium nitrate ay nakalagay sa apat na kahon na nasa loob ng M/V Asuncion na pag-aari ng San Nicolas Shipping Lines habang nakadaong sa Isla Puting Bato.
Nabatid na may natanggap na impormasyon ang PCG at AFP-NCRC tungkol sa ilegal na bagahe na nasa barko. Inabandona ang kahon ng nagngangalang Tessie.
Bagamat kadalasang ginagamit sa pangingisda ang mga nakuhang kemikal, hindi naman isinasantabi ng mga awtoridad na posibleng gamitin ito upang maghasik ng kaguluhan kasabay ng paghahayag ng SONA ni PGMA.
Kasabay nito, pinahihigpitan ng PCG ang mga daungan at pantalan upang hindi malusutan ng mga terorista na manggagaling sa Mindanao.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended