^

Metro

Lola pisak sa truck

-
Isang 57-anyos na lola ang iniulat na nasawi makaraang mabundol ng isang 14-wheeler truck habang tumatawid kasama ang paslit na apo sa Sta. Mesa, Maynila.

Agad na nasawi ang biktimang nakilalang si Dolores Santos, habang bagamat nakaligtas sa kapahamakan ang 7-anyos nitong apo ay nananatiling nasa ‘state of shock’ ito matapos na masaksihan ang pagkasawi ng kanyang lola.

Sumuko naman ang driver ng truck na nakilalang si Jimmy Bobis na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente sa may Magsaysay Avenue sa Sta. Mesa. Ihahatid umano ng nasawi ang apo sa mga magulang nito at papatawid na sa naturang lugar nang mabundol ng truck ni Bobis.

Ayon sa ilang mga saksi naka-pula ang stop light ngunit hindi huminto sa pagmamaneho ang suspect sanhi upang mabangga ang biktima.

Nagulungan naman at naipit ang katawan ng lola. Pinaniniwalaang iniligtas pa nito ang apo na napaupo na lamang sa may ilalim ng truck. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AYON

BOBIS

DANILO GARCIA

DOLORES SANTOS

IHAHATID

ISANG

JIMMY BOBIS

MAGSAYSAY AVENUE

MAYNILA

NAGULUNGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with