^

Metro

'Serial killer' umatake uli sa Caloocan

-
Muli na namang umatake ang kinatatakutang serial killer matapos nitong tadtarin ng saksak sa katawan ang isang taxi driver sa loob mismo ng minamaneho nitong sasakyan, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Patay na nang matagpuan sa loob ng kanyang minamanehong taxi si Apolinario Mangahas, 60, ng Pugpog, Norzagaray, Bulacan.

Patuloy namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng gumagalang serial killer na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:20 nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa minamaneho nitong taxi na may plakang TYB-753 sa kahabaan ng D. Aquino St., 7th Avenue ng nasabing lungsod.

Nagtamo ito ng dalawampung saksak sa katawan ngunit ang ipinagtataka ng pulisya ay hindi nawala ang maghapon nitong kinita maging ang mga alahas sa katawan, kaya isinantabi ng pulisya ang anggulo ng holdap.

Isang residente ang nakapansin sa taxi ng biktima na nakabalagbag sa naturang lugar at nang silipin ang sasakyan ay nakita nito si Mangahas na punung-puno ng dugo sa katawan at wala nang buhay.

Matatandaan na noong nakalipas na Sabado, isang taxi driver din na nakilalang si Florentino Padilla, 65, ang natagpuang patay sa loob ng kanyang taxi sa may Bernadette St., 7th Avenue na nagtamo rin ng dalawampung saksak sa katawan.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, lumalabas na pareho ang paraan sa ginawang pagpatay sa dalawang biktima. Parehong hindi kinuha ang pera at alahas ng mga ito kaya’t pinaniniwalaang posibleng gawa ito ng gumagalang serial killer sa lugar. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

APOLINARIO MANGAHAS

AQUINO ST.

BERNADETTE ST.

BULACAN

CALOOCAN CITY

FLORENTINO PADILLA

ISANG

MANGAHAS

MATATANDAAN

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with