Mangingisda hinostage ng bangag na driver
July 19, 2005 | 12:00am
Makaraan ang halos isang oras na tensiyon ay ligtas na nabawi ng mga awtoridad ang isang mangingisda nang i-hostage ito ng isang sabog sa droga na pedicab driver, kamakalawa ng gabi sa Navotas.
Nasa ligtas nang kalagayan ang biktima na si Bienvenido Lagaras, residente ng Philippine Fisheries and Development Authority (PFDA) Compound, R-10, NBBN, Lambatan ng nasabing bayan.
Kasalukuyan namang nakakulong sa himpilan ng pulisya ang suspect na si Stuafenburg de Gracia, 22, at kapitbahay ng biktima.
Base sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Remigio Rivera, may hawak ng kaso, dakong alas-7 ng gabi nang maganap ang insidente sa PFDA Compound, Lambatan.
Nabatid na umakyat ang suspect sa bubungan ng kanyang mga kapitbahay habang may hawak itong dalawang jungle bolo at sumisigaw na susunugin niya ang bahay ng kanyang mga kapitbahay.
Sinabi pa ng mga saksi na sa tuwing lumalapit ang mga barangay tanod sa suspect upang agawin ang dalang armas nito ay hinihiwa ni de Gracia ang sariling kamay kayat napilitang tumawag ng pulis ang kanyang mga kapitbahay.
Pagkakita ng suspect sa mga pulis ay nagpalipat-lipat ito sa bubungan ng mga kapitbahay hanggang sa makapasok sa bahay ng biktima sa pamamagitan ng pagsira sa nakasaradong pinto.
Matapos ang halos isang oras na pakikipagnegosasyon ng mga awtoridad sa suspect ay napasuko rin nila ang huli at ligtas na nabawi ang biktima. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended