^

Metro

Imbestigasyon vs Laarni pinigil

-
Pinatitigil ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang isinasagawang imbestigasyon nito sa kampo ng aktres na si Laarni Enriquez.

Ito ay makaraang mag-isyu ang korte ng temporary restraining order (TRO) sa PNP para ihinto ang imbestigasyon nito laban kay Laarni at iba pa kaugnay sa kasong inciting to sedition at serious illegal detention.

Sa 5-pahinang desisyon, inatasan ni QCRTC Branch 153 Judge Ma. Luisa Padilla si PNP Chief Arturo Lomibao at Criminal Investigation and Detection Group director Chief Supt. Ricardo Dapat na ihinto ang isinasagawang pagbusisi laban kina Laarni, aktor na si Rez Cortez, dating DAR Secretary Horacio Morales, Angelito Santiago at Wilson Fenix.

Ayon kay Judge Padilla ay dahil sa lumabag ang mga opisyal ng PNP sa karapatan ng mga akusado nang hindi nila binigyan ng kopya ng affidavit ni Sgt. Vidal Doble na nag-akusa sa grupo ni Enriquez tungkol sa taped controversy at nagsabing binayaran siya (Doble) nito ng P2 milyon para amining siya ang kumuha sa wire tapped conversations nina GMA at Comelec official.

Inatasan din ng korte ang mga opisyal ng PNP na magsumite ng sagot sa korte sa loob ng 10 araw hinggil sa naturang kaso.

Itinakda ang preliminary injunction sa Hulyo 26. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGELITO SANTIAGO

CHIEF ARTURO LOMIBAO

CHIEF SUPT

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

JUDGE MA

JUDGE PADILLA

LAARNI

LAARNI ENRIQUEZ

LUISA PADILLA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with