^

Metro

Supervisor huli sa tupada

-
Patung-patong na kaso ang kinakaharap ngayon ng isang supervisor ng security agency matapos na mahuli sa tupada at mahulihan ng baril kahapon ng umaga sa Malabon City.

Bukod sa kasong illegal gambling, nahaharap din sa kasong illegal possession of firearm si Johnny Tubat, 44, ng San Pablo Detective and Protective Agency at residente ng 39 Mabolo St., Malabon City. Kinasuhan din ang kasama nitong guwardiya na si Pangoda Grande, 56.

Ayon kay Supt. Moises Guevarra, hepe ng Malabon City Police, dakong alas-10:30 ng umaga nang maaresto ang dalawa sa Kaingin, Tinajeros, Malabon.

Lumilitaw na nakatanggap ng impormasyon ang pulisya na may nagaganap na tupadahan sa lugar. Agad nila itong tinungo at nahuli sa akto ang dalawa habang nakatakas ang iba.

Nabigo ding ipakita ni Tubat ang papel ng kanyang baril nang makapkapan ng mga awtoridad. (Rose Tamayo)

vuukle comment

AYON

BUKOD

JOHNNY TUBAT

MABOLO ST.

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

MOISES GUEVARRA

PANGODA GRANDE

ROSE TAMAYO

SAN PABLO DETECTIVE AND PROTECTIVE AGENCY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with