Motorsiklo vs truck: 2 patay
July 17, 2005 | 12:00am
Dalawa katao ang nasawi makaraang banggain ng isang truck ang kanilang sinasakyang motorsiklo, kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Magkayakap pa ang mga biktima nang ang mga ito ay tumilapon na kapwa namatay sa pinangyarihan ng insidente kung saan kinilala ang isa sa mga ito na si Daniel Cruz Jr., 31, ng 258 Juliet St., Sta Quiteria, Caloocan City, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng kanyang kasamahan na tinatayang may edad na 25 hanggang 30-anyos at may taas na 51.
Naaresto naman ng mga tauhan ng Traffic Management Group (TMG) ang driver ng truck na si Armando Tara, 35, ng 3743 G. Urda St., Atimonan, Quezon.
Batay sa ulat ni Chief Insp. Ramon Marquez, hepe ng CPD Traffic Sector, dakong ala-1:40 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa may kahabaan ng A. Bonifacio Rd. Cloverleaf Interchange, Balintawak, Quezon City.
Nabatid na sakay ang mga biktima ng isang Honda na motorsiklo na may plakang NT-118 habang minamaneho naman ng suspect ang isang Isuzu truck na may plakang TYE-332 at kapwa binabaybay ng mga ito ang kahabaan ng A. Bonifacio patungong North Luzon Expressway.
Nagkadikit umano ang dalawang sasakyan nang bigla na lamang masagi ng truck ang kaliwang bahagi ng motorsiklo sanhi upang tumilapon ang mga sakay nito na kanilang ikinasawi. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest