^

Metro

Kidnapping vs Dennis Roldan pormal na isinampa

-
Pormal na isinampa ng Department of Justice (DOJ) ang kasong kidnapping laban sa dating actor/congressman na si Dennis Roldan.

Batay sa 19-pahinang resolusyon ni State Prosecutor Mary Josephine Lazaro, piskal na humawak ng kaso, may probable cause para isulong ang kasong kidnapping laban sa aktor na si Mitchell Gumabao sa tunay na buhay.

Si Roldan ay unang ipinagharap ng kidnapping-for-ransom sa Pasig City RTC noong April 29, 2005 subalit umapela ito sa mababang hukuman at humingi ng preliminary investigation sa kaso na kinatigan ng nasabing korte.

Gayunman, nang magsagawa ng panibagong imbestigasyon ang panel of prosecutors, walang nakitang batayan ang DOJ para baligtarin ang kanilang unang desisyon.

Ang pagdukot sa tatlong-taong gulang na batang si Kenshie Yu ay naganap noong February 21, 2005.

Bukod kay Roldan, ang iba pang akusado sa kaso ay sina Roberto Pagdanganan, Noel San Andres, Rowena San Andres, Octavio Garces, Adrian Domingo at Suzette Wang. (Ulat ni Grace dela Cruz)

ADRIAN DOMINGO

DENNIS ROLDAN

DEPARTMENT OF JUSTICE

KENSHIE YU

MITCHELL GUMABAO

NOEL SAN ANDRES

OCTAVIO GARCES

PASIG CITY

ROBERTO PAGDANGANAN

ROWENA SAN ANDRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with