^

Metro

Utol tinodas ng kuya

-
Nagawang patayin ng isang pedicab driver ang kanyang nakababatang kapatid dahil sa pang-iistorbo ng huli sa kanilang may-sakit na ina, kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Patay na ng idating sa ospital ang biktimang nakilalang si Rodolfo Fallorin, ng Homabon St., Velasquez, Tondo dahil sa tama ng saksak sa katawan.

Mabilis namang tumakas ang kuya nito na si Octavio, 45. Nahaharap ito sa kasong parricide.

Naganap ang insidente dakong alas- 8 ng umaga sa labas ng bahay ng pamilya Fallorin.

Ayon sa kanilang bunsong kapatid na si Oriam, 19, dumating umano ang utol nilang si Rodolfo na lango sa alak at nagtungo sa nakaratay nilang ina na si Aling Leoning na may sakit sa puso.

Nabatid na kinukulit umano ito ng biktima sa kabila na may nararamdaman ito sa katawan sanhi upang magalit ang kanilang kuya na si Octavio.

Nagalit ang nasawi at nakipag-murahan pa sa kanilang kuya, hindi naman nakapagpigil ang huli at kumuha ito ng patalim at saka sinaksak ang kapatid. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ALING LEONING

AYON

DANILO GARCIA

FALLORIN

HOMABON ST.

MABILIS

MAYNILA

NABATID

OCTAVIO

RODOLFO FALLORIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with