Paslit binoga sa ulo
July 16, 2005 | 12:00am
Isang bala ng baril ang tumapos sa buhay ng isang 9-anyos na batang lalaki matapos itong matagpuang nakahandusay sa tapat ng isang ospital sa lungsod ng Quezon, kahapon ng madaling-araw.
Walang pagkakakilanlan ang biktima maliban sa ito ay may mahabang buhok, may taas na apat na talampakan at nakasuot ng itim na jogging pants.
Sa imbestigasyon ni PO3 Ernesto Fabre, ng CPD Criminal Investigation Division natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-12:30 ng madaling- araw sa Kalayaan Avenue, Brgy. Pinyahan, Quezon City sa tapat ng V. Luna Hospital.
Nabatid na ilang residente ang nakarinig ng putok ng baril at nang kanilang alamin ay nakita na lamang nilang nakahandusay ang paslit na duguan.
Narekober malapit sa bangkay ng biktima ang isang basyo ng kalibre .45 baril at hinala ng mga awtoridad ay binaril ito ng malapitan.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para alamin ang motibo sa pamamaslang at kung sino ang responsable dito. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest