^

Metro

37 EPD police sisibakin

-
Tatlumpu’t pitong pulis na nakatalaga sa Eastern Police District (EPD) ang nahaharap ngayon sa posibleng pagkasibak sa tungkulin matapos na masangkot ito sa iba’t ibang kaso.

Ayon kay EPD director Chief Supt. Oscar Valenzuela, ang mga nasabing pulis ay sangkot sa iba’t ibang kaso kabilang ang robbery, hold-up, pangongotong at absent without official leave (AWOL).

Sinabi rin ni Valenzuela na ang kanyang ginawang pag-iimbestiga sa mga nasabing pulis ay bilang katugunan sa kampanya ng Philippine National Police (PNP) na linisin ang hanay ng pulisya at sibakin ang mga scalawag na pulis.

Napag-alaman pa kay Valenzuela na siyam sa nasabing pulis ay sinibak na sa serbisyo, habang ang iba pa ay kasalukuyang dinidinig ang mga kaso, hindi naman muna inilabas ni Valenzuela ang pangalan ng mga nasabing pulis.

Dahil dito nagbabala si Valenzuela sa kanyang kapulisan na gampanan nang maayos ang kanilang mga tungkulin at maging tapat upang hindi matulad sa nasabing mga pulis.

Samantala, aabot sa 86 na pulis na nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD) ang muling sasailalim sa pagsasanay na tatagal ng isang buwan sa Subic upang muling ibalik ang tiwala ng publiko.

Ayon kay QCPD director chief Supt. Nicasio Radovan Jr., piniling mabuti ang mga ipadadalang pulis sa re-training upang maging mas epektibong miyembro ng PNP.

Layunin ng pagpapadala ng mga pulis na mapabuti ang ugali, pagbibigay ng serbisyo at mabawasan ang mga bisyo ng mga pulis tulad ng pambababae, paninigarilyo, pag-inom ng alak at maging paggamit ng ilegal na droga.

Naniniwala si Radovan na ang mga ipadadalang pulis sa Subic ay mas magiging kapaki-pakinabang sa pagsugpo ng kriminalidad sa lungsod. (Ulat nina Edwin Balasa at Doris Franche)

AYON

CHIEF SUPT

DORIS FRANCHE

EASTERN POLICE DISTRICT

EDWIN BALASA

NICASIO RADOVAN JR.

OSCAR VALENZUELA

PULIS

VALENZUELA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with