7 nalason sa tuba-tuba
July 14, 2005 | 12:00am
Pitong kabataan ang nalason matapos na mapagtripan ng mga itong kumain ng mga bunga ng puno ng tuba-tuba, kamakalawa sa Parañaque City.
Nakilala ang mga biktimang sina Venus Pacig, 12; Ancole Delector, 11; Darlene Estrada; Janel Regoclio; Kenneth Beronio, pawang 10-anyos; Anegril Baylon at Mark Jay Jenses, kapwa 9-anyos na naninirahan sa Marcelo Green highway, Brgy. Sucat, ng nabanggit na lungsod.
Naganap ang insidente dakong alas-5 ng hapon sa nabanggit na lugar, habang masayang naglalaro at namamasyal ang mga bata nang mamataan ng mga ito ang hitik na bunga ng puno ng tuba-tuba.
Napagtripang kainin ng mga ito ang naturang mga bunga, makalipas ang ilang minuto, namumutla na ang mga paslit at nakaramdam na rin ang mga ito ng pagkahilo, pananakit ng tiyan at walang tigil na pagdumi.
Mabilis na isinugod ng kanilang mga magulang ang mga bata sa Parañaque Community Hospital ngunit dahil sa maselan nilang lagay ay inilipat sila sa Philippine General Hospital.
Hanggang sa sinusulat ang balitang ito ay inoobserbahan pa sa pagamutan ang mga biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest