^

Metro

PCP commander sibak sa jueteng

-
Sinibak sa puwesto kahapon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang isang precinct commander ng lungsod ng Makati matapos na maaresto ang tatlong kolektor ng jueteng sa kanyang nasasakupan.

Ayon kay NCRPO chief Vidal Querol, iniutos na niya ang pagsibak sa tungkulin ni Senior Supt. Alejandro Alisanco, hepe ng ng Police Community Precinct 8 sa Brgy. Comembo bilang pagsunod sa kautusan ni PNP chiief Director General Arturo Lomibao ng ‘one strike policy’ sa jueteng.

Bukod sa pagkakasibak kay Alisanco, pinagpapaliwanag din ni Querol si Makati City police chief Senior Supt. Jovy Gutierrez kung bakit mayroon pang jueteng sa kanyang nasasakupan.

Napag-alaman na nagsagawa ng operasyon dakong alas-7:45 ng gabi kamakalawa ang Regional Intelligence Group ng NCRPO matapos na makatanggap ng text messages mula sa concerned citizen patungkol sa patuloy na operasyon ng jueteng sa naturang lugar.

Sa isinagawang operasyon naaresto ang mga kolektor na nakilalang sina Ernesto Pangan, 47, Inocencio Habulan, 57; at Joseph Navarro, 34, habang nagpapataya ng jueteng sa Brgy. Comembo.

Si Alisanco ay pansamantalang inilipat sa Camp Bagong Diwa sa Taguig, habang inihahanda ang kasong administratibo dahil sa pagpapabaya sa tungkulin. (Ulat ni Edwin Balasa)

ALEJANDRO ALISANCO

BRGY

CAMP BAGONG DIWA

COMEMBO

DIRECTOR GENERAL ARTURO LOMIBAO

EDWIN BALASA

ERNESTO PANGAN

INOCENCIO HABULAN

JOSEPH NAVARRO

JOVY GUTIERREZ

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with