Muntinlupa hostage: 2 patay
July 13, 2005 | 12:00am
Isang dating seaman ang nagpatiwakal matapos nitong i-hostage at patayin ang 35-anyos niyang bilas dahil nagalit ang una nang palayasin siya ng mga kaanak ng huli, kahapon ng tanghali sa Muntinlupa City.
Nakilala ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili ang suspect na si Roberto Vallerosa, 45.
Itoy matapos niyang pagbabarilin ang kanyang binihag na bilas na si Jovie Muntillano, 35.
Sa sketchy report ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-12 ng tanghali sa bahay ng magbilas sa ikalawang palapag ng 317 Muntillano Compound sa Mendiola St., Brgy. Wawa, Alabang, Muntinlupa City.
Nabatid na dating seaman ang suspect at dahil sa hindi na muling makasakay sa barko, nalulong ito sa droga.
Nagluluto noon si Muntillano ng pumasok ang suspect na armado ng mga baril. Iginapos ang biktimang ginang at saka hinostage.
Dakong alas-4 ng hapon hindi nagawang mapakiusapan ng mga pulis ang suspect na binaril ang kanyang bihag.
Pagkatapos nito ay nagbaril na rin sa sarili ang suspect na si Vallerosa.
Paghihiganti ang sinasabing motibo ng pangho-hostage makaraang palayasin umano ng mga kaanak ng biktima ang suspect. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am