Ex-OFW, utas sa holdap
July 12, 2005 | 12:00am
Isang dating overseas Filipino worker (OFW) at may-ari ng garment factory na pinaniniwalaang biktima ng holdap ang natagpuang patay at tadtad ng saksak sa katawan, kahapon ng hapon sa harap ng kanyang bahay sa Fairview, Quezon City.
Kinilala ng pulisya ng QCPD-GAS ang biktima na si Noel Guillermo, 44, dating OFW at residente ng Unit 2 Champaca St., Maligaya Subdivision, Pasong Putik, ng nabanggit na lungsod.
Sa inisyal na ulat, isang Lani Tagle na kapitbahay nito ang nakakita sa biktima na naliligo sa kanyang sariling dugo dakong alas-3:45 ng hapon.
Sinabi ng pulisya na nagpaalam umano ang biktima sa kanyang asawang si Zeta na pupunta sa isang birthday party ng kanyang dating kasamahan sa Saudi sa Pasig.
Lumilitaw na nawawala ang wallet ng biktima kung kayat posibleng biktima ito ng holdap. Gayunman, nasa kamay pa nito ang mamahaling Fossil watch.
Malaki ang paniwala ng pulisya na nagtangkang humingi ng saklolo ang biktima kung kayat nagawa pa nitong makauwi hanggang malagutan ng hininga sa harap ng kanyang bahay. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended