^

Metro

Bebot itinumba sa Quiapo

-
Hindi na nakalabas nang buhay sa Quiapo Islamic Center ang isang babae matapos na pagbabarilin at saksakin pa ito ng hindi pa nakikilalang salarin kahapon ng madaling-araw sa lungsod ng Maynila.

Dalawang tama ng bala at saksak sa katawan ang ikinamatay ng biktimang nakilala lamang ng mga residente sa alyas na Sandra, nasa 25-30 anyos at hindi pa mabatid ang tirahan.

Sa ulat ng WPD-Homicide Section, dakong ala-1 ng madaling-araw nang matagpuan ang bangkay ng biktima na nakahandusay sa isang bangketa sa loob ng Islamic Center matapos na makarinig ang mga residente ng sunud-sunod na putok ng baril.

Nabatid na punit-punit ang damit ng biktima, indikasyon na nanlaban ito sa mga salarin.

Ayon sa mga residente, madalas na dumayo sa lugar ang biktima upang umiskor umano ng droga ngunit sa huli nitong pagpunta ay narinig na lamang na sumisigaw ito at kasunod ang dalawang putok ng baril.

Hinala ngayon ng pulisya na posibleng sigalot sa droga ang ugat ng naturang pamamaslang habang hindi rin inaalis ang anggulo ng panghoholdap dahil sa nagkalat ang laman ng handbag nito. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AYON

DALAWANG

DANILO GARCIA

HINALA

HOMICIDE SECTION

ISLAMIC CENTER

MAYNILA

NABATID

QUIAPO ISLAMIC CENTER

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with