^

Metro

'Chop-chop' victim sa QC, kilala na

-
Positibo nang kinilala ng mga tauhan ng Quezon City Police District ang katawan ng chop-chop victim na natagpuan sa iba’t ibang lugar sa lungsod Quezon kamakalawa.

Ayon kay Sr. Insp. Rey Medina, ang hepe ng QCPD-General Assignment Section, nagtungo sa kanilang tanggapan ang mag-asawang Delfin at Araceli Coronado upang kilalanin ang natagpuang torso at pugot na ulo dahil dalawang araw na umanong nawawala ang kanilang anak na si Rodolfo Coronado.

Subalit pagdating sa Prudential Funeral Homes, laking gulat nila nang makita ang putul-putol na katawan ng isang lalaki na kinilala nilang kaibigan ng kanilang nawawalang anak na si Luke Hermoso, tubong-Olongapo City at naninirahan sa West Riverside, Quezon City. Kinilala rin ito ng kanyang kasintahan na tumangging magpakilala.

Si Hermoso ang sinasabing kasama ni Coronado bago nawala.

Samantala, naniniwala naman itong si Medina na hindi lang sa isang tao ang biktima ng chop-chop matapos na matagpuan ang isa pang putol na hita sa San Mateo, Batasan Road, Quezon City.

Matatandaan na kamakalawa ay nagkalat sa QC ang mga putol na bahagi ng katawan ng tao kung saan ang pares na hita kasama ang paa sa may Sanville Subd. sa Brgy. Vasra na sinundan naman ng pagkakatagpo ng kaliwang braso sa Road B,St. Anthony Village, Project 7.

Sinabi ni Medina na hanggang sa ngayon ay inaalam pa nila ang motibo ng pamamaslang sa mga biktima kasabay ng paghahanap sa iba pang bahagi ng putol na hita na nakita sa San Mateo. (Ulat ni Doris Franche)

ARACELI CORONADO

BATASAN ROAD

DORIS FRANCHE

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

LUKE HERMOSO

OLONGAPO CITY

PRUDENTIAL FUNERAL HOMES

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SAN MATEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with