Snatcher todas sa kasamahan
July 8, 2005 | 12:00am
Nasawi ang isang pinaniniwalaang notoryus na snatcher makaraang barilin ng kanyang kasamahan makaraang magka-onsehan sa hatian ng kanilang mga ninakaw, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Hindi na nagawang maisalba sa Tondo Medical Center (TMC) si Samuel Cuevas, 32, ng Hipon Alley, Langaray, Block 28, Lot 20, Phase 3, Dagat-Dagatan, sanhi ng limang tama ng bala sa katawan.
Base sa ulat ni PO2 Noel Gregorio, may hawak ng kaso, dakong alas-8:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa may panulukan ng Block 28 at Dagat-Dagatan Ave., Caloocan City.
Lumalabas sa imbestigasyon na kasalukuyang nakikipag-inuman ang biktima sa isang kaibigan na nakilala sa alyas na Panot sa nasabing lugar nang biglang dumating ang suspect na armado ng baril.
Dito ay inutusan ng suspect si Panot na tumakbo palayo kung saan nang maiwan ang biktima ay walang habas itong pinaputukan ng apat na beses sa katawan.
Ayon sa mga nakasaksi, nang duguang bumagsak ang biktima ay pinagsabihan pa ito ng suspect na "pumili ka ng taong gogoyoin mo," bago mabilis na tumakas sa di-nabatid na direksiyon.
Napag-alaman mula sa ilang kapitbahay ng namatay na may kinalaman umano ang biktima sa lantarang snatching ng cellphone sa may kahabaan ng Letre Road at Dagat-Dagatan Avenue. May hinala ang pulisya na posibleng matinding galit dulot ng onsehan umano sa hatian ng kita ang naging dahilan ng pamamaslang sa biktima. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am