Dakong alas-3 ng madaling-araw nang unang matagpuan sa may kanto ng Naval St. at Sauyo Road, Novaliches, Quezon City ang isang kulay itim na plastic bag na rito nakasilid ang katawan ng isang lalaki na may kayumangging kulay.
Habang hindi naman kalayuan sa kinatagpuan nito ay nakita rin ang pugot na ulo.
Bandang alas-7 naman ng umaga nang matagpuan ang isa pang kulay itim na plastic bag sa may Sanville Subdivision sa Brgy. Vasra na nandoon ang isang pares ng paa.
Dakong ala-1:45 ng hapon nang matagpuan ang kaliwang braso ng biktima sa may Road B St. Anthony Village, Project 7, Quezon City.
Binanggit pa ng mga awtoridad na posibleng sa ibang lugar pinatay ang biktima at sa naturang lugar lamang ikinalat para iligaw ang pulisya sa imbestigasyon. (Ulat ni Doris Franche)