^

Metro

14 taon sa 2 pulis na pumaslang sa kapwa parak

-
Hinatulan ng tig-14 taong pagkabilanggo kahapon ng korte ang dalawang pulis na nakapatay sa kapwa pulis, 12-taon na ang nakalilipas sa Pasig City.

Bukod sa pagpapakulong ay pinag-utos din ni Judge Alex Quiroz ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 156 sa mga akusadong sina Roberto Bedana at Virgilio Cruz na bayaran ang pamilya ng kabuuang P619,663.65 bilang danyos perwisyo sa pagkakapatay ng mga ito sa biktimang si SPO2 Rodel Mendoza. Samantala, inabsuwelto naman ng hukom ang dalawa pang kasama nitong sina Reginaldo Vasquez at Jose Bedana.

Sa 21-pahinang desisyon ng korte ay hindi matanggap ng pamilya ng biktima na dumalo sa korte at sinabing hindi makatarungan ang naging hatol dahil napakababa nito.

Base sa rekord, naganap ang insidente noong Disyembre 26, 1993 sa kahabaan ng Brgy. San Nicolas, Pasig City habang naglalakad ang biktima kasama ang kaibigang si Aldrin Yamson nang bigla na lang silang pagbabarilin ng akusado at kasama nito.

Nagkahiwalay ang magkaibigan sa sobrang taranta subalit hinabol sila ng mga suspect at tatlo sa mga ito ang humabol kay Mendoza.

Ilang saglit ang nakalipas ay nakarinig ng sunud-sunod na putok si Yamson at nang tingnan niya ay nakitang naliligo sa sariling dugo ang biktima na tadtad ng tama ng bala ng baril sa katawan.

Nakatakda namang magsampa ng moral at administrative na kaso ang abogado ng biktima kay Judge Quiroz dahil sa hindi umano makatarungang hatol nito. (Ulat ni Edwin Balasa)

ALDRIN YAMSON

EDWIN BALASA

JOSE BEDANA

JUDGE ALEX QUIROZ

JUDGE QUIROZ

PASIG CITY

PASIG CITY REGIONAL TRIAL COURT

REGINALDO VASQUEZ

ROBERTO BEDANA

RODEL MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with