^

Metro

Shabu lab natuklasan dahil sa sunog

-
Dahil sa pagsiklab ng sunog, natuklasan ng mga awtoridad ang isang mini-shabu laboratory na naglalaman ng may P88 milyong halaga ng Ketamine na pangunahing sangkap sa paggawa ng shabu, kahapon ng umaga sa Paco, Maynila.

Nabatid na dakong alas-6 ng umaga nang sumiklab ang isang sunog sa isang condominium sa may 1675 Icanciano at Merced Sts. sa Paco, Maynila. Agad namang naapula ang apoy, pero dito nadiskubre ng mga bumbero ang ibat-ibang kemikal at mga kasangkapan gamit sa paggawa ng shabu sa loob ng Unit 1 ng establisimento.

Mabilis namang nagresponde ang mga tauhan ng Anti-Illegal Drugs Special Operations (AIDSOTF).

Ayon kay AIDSOTF chief, Deputy Director General Ricardo de Leon, tinatayang aabot sa 16 kilo ng ketamine o mas kilala sa tawag na "K" ang nakumpiska sa loob ng condo unit na inuupahan ng isang umano’y Japayuki na si Dianne Manansala. Bukod dito, nadiskubre rin sa loob ng unit ang ibat-ibang uri ng apparatus at kagamitan sa pagluluto ng droga.

Nadiskubre rin ng mga awtoridad na isinisilid ang ilegal na droga sa mga juice tetra pack upang mailusot sa mga awtoridad palabas umano sa bansa. (Ulat nina Danilo Garcia at Joy Cantos)

AYON

BUKOD

DANILO GARCIA

DEPUTY DIRECTOR GENERAL RICARDO

DIANNE MANANSALA

DRUGS SPECIAL OPERATIONS

JOY CANTOS

MAYNILA

MERCED STS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with