Ayon sa hula: GMA bababa, babae rin ang papalit
July 7, 2005 | 12:00am
Sa ayaw at sa gusto ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay bababa ito sa kanyang puwesto dahil sa mawawalan ito ng kapangyarihan matapos na apat umanong heneral ang mamumuno sa pag-aaklas laban sa kanya.
Ayon ito sa sikat na psychic na si Danny Atienza, nakikita niyang apat na heneral, isa rito ay may 3-star rank mula sa PNP at tatlo naman sa hanay ng militar ang siyang mamumuno upang pabagsakin ang gobyernong Arroyo.
"Kung hindi ito maaagapan (4 na heneral) ni Pangulong Arroyo siguradong hindi na siya tatagal sa puwesto," pahayag ni Atienza sa isinagawang forum sa Citio Fernandina sa Greenhills, San Juan.
Sinabi ni Atienza na isa ding babae ang susunod na magiging Pangulo ng Pilipinas sa magaganap na transition government at ang kanyang pinakamalapit na nakikita ay si Susan Roces, asawa ng namayapang aktor na si Fernando Poe Jr.
Dagdag pa nito na hindi rin makakaupong Pangulo si Bise Presidente Noli de Castro at posibleng umanib na rin ito sa oposisyon.
Nagbabala rin ito na ang pinaka-kritikal na araw sa kasaysayan ng bansa ay magsisimula sa Hulyo 13 hanggang Agosto 13 ng taong ito, matanggal man o hindi si Pangulong Arroyo.
Sinabi rin ni Atienza na sasapitin din ni First Gentleman Mike Arroyo ang sinapit ni dating Pangulong Joseph Estrada na hindi na rin umano tatagal sa pagkakakulong. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest