^

Metro

ASG nakakalat na sa MM

-
Idineploy na umano ng mga liderato ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang kanilang mga ‘urban terrorist squad’ upang maghasik ng terorismo tulad ng pambobomba sa mga rally sa Metro Manila.

Ayon kay PNP Chief P/Director Arturo Lomibao, ito ang kanilang napag-alaman base sa intelligence report na nakalap ng pulisya.

Sinabi ni Lomibao na walang pinipiling lugar ang terorismo kaya’t hindi malayong samantalahin ng mga bandido ang paghalo sa mga raliyista upang manggulo.

Bukod sa Abu Sayyaf, sinabi ni Lomibao na maaari ring magsamantala ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na posibleng humalo at manggulo habang isinasagawa ng mga anti-PGMA groups ang kanilang demonstrasyon.

Sa kabila nito, binigyang-diin ng PNP Chief na pinakilos na niya ang kapulisan upang paigtingin pa ang ‘intelligence operations’ upang masawata ang mga teroristang Abu Sayyaf at NPA na posibleng manggulo sa mga rally.

Magugunita na kamakailan lamang ay nakiisa ang Abu Sayyaf at NPA rebels sa panawagang mag-resign na si Pangulong Arroyo bunga umano ng kontrobersiyal na "Hello Garci" tape o ang pandaraya sa eleksiyon noong 2004 sa pakikipagsabwatan ni Comelec Commissioner Virgilio Garcillano. (Ulat ni Joy Cantos)

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

CHIEF P

COMELEC COMMISSIONER VIRGILIO GARCILLANO

DIRECTOR ARTURO LOMIBAO

HELLO GARCI

JOY CANTOS

LOMIBAO

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with