^

Metro

Police Chiefs, binalaan vs iligal na sugal

-
Binalaan ni Western Police District (WPD) director Chief Supt. Pedro Bulaong ang ilang station commander sa lungsod ng Maynila na agad niya itong sisibakin sa tungkulin sa sandaling mapatunayan ang pagbabalik ng iligal na pasugalan sa kanilang mga nasasakupan.

Partikular na binalaan ni Bulaong si Supt. Romeo Sapitula ng WPD-Station 3 commander bunsod umano ng muling pagsulpot ng peryahan sa Quezon Blvd. sa Quiapo.

Ang paglitaw ng isyu na muling buhay ang pasugalan ay bunga ng report na ilang mamamahayag sa Maynila na kinabibilangan ni Alex Balcoba ang nasa payola na inihihingi ng mga gambling lord sa Quiapo.

Subalit ang nasabing report ay mariin namang itinanggi ni Balcoba kasabay ng pahayag na wala na siyang tinatanggap na anumang payola.

Natuklasan naman ni Bulaong ang muling pamamayagpag ng peryahan, saklang patay, bookies at video karera sa Maynila matapos na maghigpit sa jueteng ang pulisya. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ALEX BALCOBA

BALCOBA

BULAONG

CHIEF SUPT

DANILO GARCIA

MAYNILA

PEDRO BULAONG

QUEZON BLVD

ROMEO SAPITULA

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with