^

Metro

Mag-asawang 'Tirtir', arestado

-
Nahulog sa kamay ng pulisya ang isang mag-asawa na kapwa miyembro ng "Tirtir Gang" na nangholdap at pumaslang sa isang graduating student ng New Era College noong 2003 sa Pasay City.

Iniharap kahapon sa tanggapan ni Pasay City Mayor Wenceslao "Peewee" Trinidad ang mag-asawang suspect na sina Erlinda, 48 at Augusto Calasicas, 47, tubong Lubao, Pampanga at huling nanirahan sa 1958 Maria Clara St., Sampaloc, Maynila.

Nabatid na ang mga suspect ang responsable sa panghoholdap at pagpaslang sa biktimang si Arlene Tumalad, graduating student noong Marso 15, 2003 na matapos nilang holdapin ay inihulog pa sa jeep sa kahabaan ng F.B. Harrison sa Pasay City.

Ang mag-asawa ay positibong kinilala ng testigong kaibigan ng biktima na si Cherry Ann Alon, 23.

Ang mag-asawa ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Francisco Mendiola, ng Pasay City Regional Trial Court, Branch 114 ng pinagsanib na puwersa ng WPD at Pasay City Police kamakalawa sa Maynila.

Sa rekord ng pulisya, ang mga suspect ay kapwa miyembro ng kilabot na "Tirtir Gang" at sangkot sa ilang serye ng panghoholdap sa ilang mga OFWs sa ilang lugar sa Metro Manila. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ARLENE TUMALAD

AUGUSTO CALASICAS

CHERRY ANN ALON

JUDGE FRANCISCO MENDIOLA

LORDETH BONILLA

MARIA CLARA ST.

MAYNILA

METRO MANILA

PASAY CITY

TIRTIR GANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with