^

Metro

QC shootout: 2 patay, 1 sugatan

-
Dalawang umano’y miyembro ng pinaniniwalaang gun running syndicate ang napatay, habang dalawa din ang nakatakas matapos na makipagbarilan sa mga tauhan ng Central Police District (CPD) samantalang kritikal naman ang isang pulis Novaliches sa naganap na engkuwentro kahapon ng hapon sa Quezon City.

Hindi pa kilala ang dalawang nasawing suspect na idineklarang dead-on-arrival sa Novaliches General Hospital sanhi ng mga tinamong mga tama ng bala sa katawan.

Inoobserbahan naman sa Chinese General Hospital si SPO3 Cesar Collado ng Novaliches police dahil naman sa apat na tama ng bala ng baril sa katawan.

Ayon sa inisyal na report na tinanggap ni CPD director Chief Supt. Nicasio Radovan, Jr., naganap ang insidente dakong alas-3:00 ng hapon sa Sarmiento St. Brgy. Sta. Monica sa nabanggit na lungsod.

Nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad kaugnay sa umano’y malakihang pagbabagsak ng mga baril sa nasabing lugar. Subalit pagdating sa nasabing lugar agad na sinalubong ng putok ng baril ang mga pulis at tinamaan si Collado.

Dahil dito, napilitang gumanti ng putok ang mga awtoridad na naging dahilan ng kamatayan ng dalawang suspect, habang nakatakas naman ang dalawa pa nitong kasamahan.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

CENTRAL POLICE DISTRICT

CESAR COLLADO

CHIEF SUPT

CHINESE GENERAL HOSPITAL

DORIS FRANCHE

NICASIO RADOVAN

NOVALICHES

NOVALICHES GENERAL HOSPITAL

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with