Truck vs motorsiklo: 1 dedo, 2 kritikal
June 30, 2005 | 12:00am
Patay ang isang binata, samantalang kritikal naman ang dalawang kasama nito makaraang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang trailer truck, kahapon ng madaling-araw sa Marikina City.
Kinilala ang nasawing biktima na nagtamo ng pinsala sa ulo at katawan na si Michael Calusay, 21, service crew, habang kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon sa pagamutan ang mga kasama nitong sina Howell Dugang, 33; at Charles Limpin, 22, pawang residente ng Lagro Subd., Novaliches, Quezon City.
Agad namang sumuko ang suspect na si Elizer Cuatibel, 29, driver ng truck na nakabangga sa motorsiklo ng mga biktima.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-5:30 ng madaling-araw habang binabagtas ng mga biktima sakay ng isang Honda XRM ang kahabaan ng Toyota Ave., Brgy. Sto. Niño, pagdating sa kanto ng Guerilla St. ay hindi napansin ng mga ito ang papasalubong na Fuso trailer truck na minamaneho ng suspect at nagsalpukan ang dalawa.
Sa tindi ng pagkakabangga ay tumilapon ang tatlong biktima na siyang agarang ikinasawi ni Calusay.
Sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide at serious physical injuries ang suspect habang nakapiit sa Marikina City detention cell. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended