^

Metro

2 Chinese, Pinay timbog sa P1.2 M pekeng yosi

-
Dalawang Chinese at isang kasabwat na Pinay ang dinakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) makaraang salakayin ang isang bodega na nagresulta sa pagkakakumpiska sa tinatayang P1.2 milyong halaga ng pekeng sigarilyo, kamakalawa sa Quezon City.

Kinilala ni NBI director Reynaldo Wycoco ang mga nadakip na sina Chen Ti Yu Guo, alyas Peter Tan at Peter Chen, 35, negosyante, ng One Wilson Place, San Juan; Robert Kua Tiu, 34, ng Malate, Maynila at Winefreda Dalangin, 49, ng Tondo, Maynila.

Sa ulat ng NBI-Special Task Force, humingi ng tulong ang Fortune Tobacco Corporation nitong nakaraang Hunyo 23 upang aksiyunan ang pamemeke ng kanilang produktong sigarilyo ng isang sindikato sa dalawang bodega sa Quezon City.

Nakumpirma ng NBI ang ilegal na distribusyon ng mga pekeng sigarilyo sa mga bodega sa 201 Del Monte Avenue, Quezon City at sa 188 Wayan St., Masambong ng nabanggit ding lungsod.

Sa bisa ng search warrant na inilabas ni Judge Rosa Samson-Tatad ng NCR Regional Trial Court sinalakay ang mga bodega at dito nasamsam ang may 141 kahon ng mga pekeng sigarilyo ng Winston na tinatayang aabot sa halagang P1.2 milyon.

Nang magsagawa ng background investigation, nabatid na nahaharap rin si Chen sa isang outstanding warrant of arrest sa NCR-RTC Branch 75 sa kasong Trademark Infringement and Unfair Competition Act. (Ulat nina Danilo Garcia at Doris Franche)

CHEN TI YU GUO

DALAWANG CHINESE

DANILO GARCIA

DEL MONTE AVENUE

DORIS FRANCHE

FORTUNE TOBACCO CORPORATION

JUDGE ROSA SAMSON-TATAD

MAYNILA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with