^

Metro

'Padyak boy' sumingit sa pila, inatado

-
Nasawi ang isang pedicab driver makaraang pagsasaksakin ng kapwa nito ‘padyak boy’ matapos na magtalo kung sino ang nauna sa kanila sa pila, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Nakilala ang nasawi na si Reynaldo Baliwag, 46, binata at residente ng Hizon St., Tondo, Maynila habang patuloy na kinikilala ng pulisya ang tumakas na suspect.

Sa ulat ng WPD-Homicide Section, naganap ang pananaksak sa biktima dakong alas-6 ng gabi sa panulukan ng Asuncion at Morga St., Tondo.

Bago ito, nakita ang biktima at ilan pang pedicab driver na nagtatalo sa kanilang pila sa may Asuncion Market. Nabatid na sumingit umano sa pila si Baliwag nang magsakay ito ng pasahero kaya nagalit ang mga kasamahan nito.

Posibleng isa sa pedicab driver na nakasagutan ng biktima ang nagtanim ng galit at nanaksak sa biktima nang magkasalubong ang ruta. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ASUNCION

ASUNCION MARKET

BALIWAG

DANILO GARCIA

HIZON ST.

HOMICIDE SECTION

MAYNILA

MORGA ST.

NABATID

REYNALDO BALIWAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with