Binata idinemanda ng magulang ng nobya, nagbigti
June 28, 2005 | 12:00am
Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ang isang 24-anyos na binata nang idemanda ito ng mga magulang ng kanyang menor-de-edad na kasintahan, kahapon ng umaga sa Caloocan City.
Patay na nang matagpuan si Romeo Umayan, tricycle driver at residente ng 1228 Sawata, Area 1, Brgy. 35, Maypajo ng nasabing lungsod.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6 ng umaga ng matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng kuwarto nito.
Ayon kay Maricris Galang, kapatid ng biktima, pagbukas niya ng pinto ng kuwarto ng huli ay bumulaga sa kanyang paningin ang bangkay nito habang nakabitin sa biga ng kanilang kisame gamit ang isang nylon cord.
Bago ang insidente, nabatid na sinampahan ng kaso sa National Bureau of Investigation (NBI) ang biktima ng magulang ng nobya nitong 13-anyos.
Napag-alaman pa na pilit na pinaghihiwalay ang biktima at ang nene na kasintahan nito, ngunit binalewala ito ng nasawi hanggang sa kasuhan siya ng mga magulang ng kasintahan.
Nabatid na kahapon ang unang araw ng pagdinig ng kaso laban sa biktima ngunit bago ito, kamakalawa ng gabi ay nakipag-inuman pa umano si Umayan sa kanyang mga kaibigan at nagbitiw ng salita na magpapakamatay na lamang siya kesa mawala ang kanyang minamahal. Kinabukasan ay nakita na ang bangkay ni Umayan. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended